" Our Jeepney Lovestory "
(c) Copyright by Emm Yetyet
All rights reserved.
--------------------♥
"Uy. Sige ha. Mauna na ko, Mae. Hanggang dito nalang ako eh."
"Sige sige. Ingat ka ha."
"K. Ikaw din."
At umalis na si Pat. Nagkasabay kasi kami ng sakay dito sa jeep. Magkapitbahay kami. Eh kaso, iba ang school nya kaya naiwan ako dito. *-* Inaantok pa ko. T__T Si mama kasi eh! Ginising ako 1 hour before yung mismong oras na nagpapagising ako. -_- 3:30 pa naman ako gisingin? E 6 pa yung pasok ko, kesyo aalis daw sila ng maaga kaya ginising na agad ako para may umasikaso muna sabahay habang tulog pa mga kapatid ko. :3
Haiss.. Ang likot kasi nung jeep eh. Di tuloy ako makatulog nang nakasandal lang sa bakal. Nandito kasi ako sa dulo. -_- Ang sakit kaya sa ulo pag nauga yung jeep tapos nakasandal yung ulo ko. Nauuntog ako.. >.<
*....*
5 minutes later..
May sumakay na estudyante. Schoolmate ko. I can tell from the looks of his uniform. Gwapo naman. Kaso wala ko sa mood para kiligin sa mga ganyan sa ngayon. Inaantok nga ako diba? -_- At sakto naman sa tabi ko toh sumakay.
"Hi schoolmate! ^___^" sabi nya sakin.
"Hmmm.." sabi ko nalang. Duh, nakakatamad kaya magsalita.
"Inaantok ka?"
Di ko sya sinagot. Baka kulitin lang ako lalo.
"Pssst..."
^_- Sinilip ko sya na nakataas yung kabila kong kilay. Taray lang -_-
"^______^" - itsura nya.
Aba loko toh ah? Nangaasar? Haish.
"Ano ba yon?"
"Inaantok ka ba schoolmate? Dito ka sumandal oh, magkaka-stiff neck ka nyan! ^___^"
"Hinde. Wag na." sabi ko. Sorry masungit ako ha. Wala lang talaga ko sa mood ngayon -_-
"Sige na. Kawawa ka naman eh. ^___^v" eh?! sabay peace sign?!
"Wag na nga!"
"Sige naaaa. Uyy. Uyy. " pangungulit nya.
di ko sya pinansin ulit.
\
BAHALA SYA..
...
ThirdPerson's POV
Sa sobrang antok ni Mae, hindi na nito pinansin ang binatang nangungulit din sa knya na si Ely. Tila tumigil na lamang si Ely sa pangungulit nito..
Matapos ang ilang minuto.. Hindi inaasahan ni Ely na mapapasandal sa kanya ang dalaga. Kani kanina lamang ay ayaw nitong sumandal sa knya. Pero nang ito'y tuluyan nang makatulog sa balikat ni Ely.. O___O (ely)
....
"Sino bababa dito?"
"Ah! Kami po." sabi nito..
Nang pababa na ito ng jeep, "Oy. Nasan ang bayad ng babaeng kasama mo?! Di pa yan nagbabayad!! Natulog agad! Tsk! Tsk!" sabi nung masungit na driver.
-___-Di pa pala toh nagbabayad.. Ang sungit pa sakin kanina..
"Etoh po oh.." sabi nito sabay abot ng bayad.
"Uy. Gising ka na."-ely
"Hmm??"-mae
"Bilisan nyo! Ang babagal!!" saway nanaman ng driver.
Napatingin naman si ely sa mukha ng tulog na si mae.
Ang ganda naman nitong matulog. Mukhang mabaet, kapag TULOG. -_-
"Uy. Gising. Nandito na tayo sa school oh."
"..."
"SCHOOLMATE!!!!"
"HA?!?!" napasigaw si mae na gulat na gulat. O_O!!!
"Tara na.. Schoolmate. ^____^v"
...
Mae's POV
(_ _") Nakakahiyaaaaaa.
Nakatulog ako kanina sa jeep tapos napasigaw pa!? =_= Nag tinginan tuloy yung mga tao sa jeep.
"Hahahaha!!" - tawa lang nang tawa tong si-- teka, sino nga ba toh?
"Oy. Ba't ka natawa?"
"Hahahah. Ikaw kasi eh!! XDD Ang lakas ng boses mo kanina sa jeep!!! XD"
"Aba! Eh sino bang nanggulat?!"
"Hahaha--Kahit na xD Kung nakita mo lang itsura mo kanina Schoolmate!! :D"
Nangaasar talaga tong lalakeng toh?!?!
"Hay nako! Bahala ka na nga! I don't need your help! Leave me alone na nga!"
"Haha.. O,O huh? Uy sorry na.. xD Joke lang yun!! Toh naman!"
"Nako! Nako! Anong Joke?! Tigilan mo nga ako. Umalis ka na.. Dito lang room ko."
"Haha. Eh linoloko lang naman kita eh. Sige na nga.. Bye schoolmate!! (^o^)/ Wag ka matutulog sa klase ha?! xD Nga pala.. Ely. Ely is my name.." pagtapos nun nagpatuloy na sya sa paglalakad sa hallway patungo sa room nila.
...
At the end of the day, napaisip nalang ako.. Ano ba ulit pangalan nya? -_-
Teka, bakit ba ko nagaabalang alalahanin yung name nya? xD
-------------------------------------------------------The next day
Andito na ko sa room. Nakaupo mag-isa. =/
Bakit feeling ko.. May kulang?
Lagi naman ganto ang routine ko? Wala namang nagbago. Kaso parang may kulang. :( Ano ba yun ?..
Hindi kaya, dahil toh kay...?
Y-yung lalake? Galing sa jeep?
Hindi ko na kasi sya nakasabay eh. Ewan ko ba.. Feeling ko hinahanap ko sya,
>.< What's going on with me? -_-"
I am soooo weird. -____________________________-
Aish. Nvrmnd. -__-
---------------------------------------------------The following days..
Hm? Meron nanaman. O_O
Sino kaya naglalagay netoh?
Napapaisip nalang ako eh. :/
Srsly, sino ba naglalagay ng mga mints at gifts sa locker ko? -_-
Gifts would explain the note which says something about me having an admirer or two.
Pero yung mints? =_= Who gives mints as a mysterious part of a gift?
What's with this mints in my locker?
Puro sya maaanghang. Ano meron? Pampagising? Ganon? XD
Ay nako. Bhala na nga. Days become more weird for me.
Sana naman alam ko kung sino gumagawa nito diba? xD
--------------------------------------------------------More days passed..
"Uy Mae! Swerte mo naman!" sabi nya sakin nang makasalubong ko sya sa pinto ng room.
"Ha?"
"Yung guy mo! Ang swerte mo may ganun ka! Yiee!! He's so romantic!"
"Teka, GUY? Sinong guy?!"
"Huh? You don't know?.."
"Nope."
"Well, i think you have to know for yourself. May nagpapatawag sayo sa rooftop!"
"Sino?"
"Ewan ko eh. Basta for sure, he's so handsome. Lahat na ng girls nagkakagulo sa knya. Kaya bilisan mo baka maagawan ka pa!"
...
Pumunta nalang ako sa rooftop to know for myself.
Andaming tao sa hagdan papuntang rooftop!! O_O
Aish.. Sikipan eh..
"Kyaaaah!!!!!! Mr. Handsome!!!! Ako nalang ligawan mo!!!!"
"Wiiiii!!!!! Sakin ka nalang!!"
"I love you!!!! Please be my boyfriend!?"
Ay? Babae pa talaga nanliligaw? -_- Pathetic.
"Uy! Schoolmate!!" - sigaw ng isang lalake sa di kalayuan (wow! lalim -_-)
*...silence...*
Nagtinginan sakin lahat ng babaeng nandun.. Yung iba masama yung tingin.. Bkit?!~
"Uy. Schoolmate! Nandito ko! :D" sigaw ulit nung lalake.
Sino ba yun?! Parang pamilyar yung boses eh. Chaka.. schoolmate?! sino ba yun?!
Bigla naman akong kinabahan *DUGDUG* *DUGDUG*
?__? Abnormal na si Heart. -_-
For the first time i felt like something is going to happen. Natakot ako pero parang at the same time natuwa ako. I felt like i'm about to be complete. -_- Corny Right? xD Honest lang po! ^_^
Sa paglilibot ko ng tingin.. Nakita ko si Mr. Kulit from the Jeep dati.
"Schoolmate!! Sa wakas nakita mo rin ako. xD Kala ko bulag ka na e ! ^___^v"
"H-ha?" di ko gets ang mga nangyayare. What's with the girls?!
"Ako na pala si Ely. Ely Bryan. Schoolmate nice to meet you."
"Mae. Mae pangalan ko."
"Yeah. Alam ko name mo. Ganda nga e ..May tanong ako sayo.."
"Ano?"
"Schoolmate sabi ko ako magtatanong hindi ikaw -_-"
"Sorry naman! -_-"
^_____^
"E sabihin mu na kasi yung tanong mo xD" sabi ko ulet..
O_O "AY oo nga pala . XD"
...
" Schoolmate, isang beses lang kitang nakasabay sa jeep..
Isang beses lang din kitang nakasama at nakausap..
I've become tired of having you as just a schoolmate..
So ngayon..
Mae Ann Gonzales,
Will you be my .. GIRLFRIEND?" ♥
------------------------------------The End. :] ♥
(c) emmyetyet a.k.a yhuki_hikari :]
Thanks for reading!!!!! ♥